Here you can find translations for some of the longer scenarios in M2 …
Scroll down to find the right session, then click on the heading to see the translation.
MM2 = Green C&L = Yellow
Si Maria ay pumunta sa Singapore para magtrabaho, kumita ng pera at makapagbigay ng mas magandang buhay sa kanyang pamilya. Halos lahat ng kinikita ni Maria ay pinapadala nya sa kanyang pamilya sa Pilipinas. Wala siya masyadong tinitira para sa kanyang sarili at hindi rin siya nakapag ipon sa Singapore.
Isang araw, nasalanta ng isang malakas na bagyo ang kanilang lugar sa Pilipinas at isang puno ang bumagsak sa bahagi ng bubong ng bahay ni Maria. Humingi ang kanyang pamilya ng dagdag na pera upang makatulong sa pagpapaayos ng kanilang bahay.
Dahil walang ipon si Maria, pumunta siya sa isa sa mga nagpapautang sa Lucky Plaza para humiram ng pera at maipadala ito sa pamilya niya sa Pilipinas.
Patuloy na pinadala ni Maria ang halos lahat ng kanyang sahod sa Pilipinas. Dahil dito, nahirapan siyang bayaran ang kanyang inutang. Umutang siya ulit para mabayaran ang unang utang at kumuha na naman ng pangatlong utang para mabayaran ang pangalawa. Sa huli, kumuha siya ng utang mula sa isang loan shark at nalaman ito ng kanyang employer. Si Maria ay nawalan ng trabaho at napauwi ng walang anumang ipon.
Tulad ni Maria, si Yanti rin ay pumunta sa Singapore para magbigay ng mas magandang buhay sa kanyang pamilya. Si Yanti ay nagpapadala lamang ng bahagi ng kanyang kita sa Pilipinas. Iniipon niya ang natitirang pera sa Singapore upang magkaroon ng pondo sakaling mayroong emergency. Kinakausap din niya ang kanyang pamilya tungkol sa kahalagahan ng pag-iipon at hinihikayat sila na magtabi rin ng pera.
Nasalanta rin ang lugar nila Yanti ng malakas na bagyo at nasira rin ang kanilang bahay. Pinagsama ni Yanti at kanyang pamilya ang kanilang ipon para mapaayos ang kanilang bahay sa Pilipinas.
Naubos ang ipon ni Yanti at kailangan niya magsimulang mag ipon muli pero patuloy naman ang kanyang trabaho at kita sa Singapore.
Si Emma, tulad nina Maria at Yanti, ay nasa Singapore upang makapagbigay ng mas magandang buhay para sa kanyang pamilya. Katulad ni Yanti, hindi pinapadala ni Emma ang lahat ng kanyang pera sa Pilipinas. Ang iba ay kanyang iniipon. Itinuro rin ni Emma ang kahalagahan ng pag-iipon sa kanyang pamilya.
Nag ipon din si Emma para magparehistro sa Aidha upang matulungan siyang mas mahusay na pamahalaan ang kanyang pera at makamit ang kanyang mga layunin. Natutunan niya ang tungkol sa bank accounts, insurance, at investments at nagpasya siyang magbukas ng bank account para sa kanyang ipon kung saan siya ay kumikita ng interes kada taon.
Nang nakapag ipon na si Emma ng katumbas ng 6 na buwang gastos sa kanyang bank account, nagpasya siyang bumili ng health insurance para sa kanya at sa kanyang pamilya. Nagdesisyon rin siyang bumili ng property insurance para sa kanilang tahanan.
Tulad nina Maria at Yanti, nasalanta rin ng bagyo ang pamilya ni Emma sa Pilipinas at nasira rin ang kanilang bahay. Dahil mayroon property insurance si Emma, hindi malaki ang kanilang naging gastos. Karamihan sa repairs ay nasakop ng insurance. Hindi masyadong malaki ang naging epekto ng bagyo sa kanilang kalagayang pinansyal.
Si Emma ay patuloy na nag-ipon at napagpasyahang mag invest na rin. Ang kanyang investment ay makakadagdag ng 5% na kita kada taon.
Sa mga investment scams, madalas na natatanggap ng biktima ang isang mensahe sa Facebook, WeChat, o WhatsApp na humihingi ng personal na impormasyon tulad ng numero ng pasaporte. Pagkatapos, ang mga scammer ay hinihiling sa biktima na magpadala ng pera sa mga bangko sa ibang bansa. Ang mga scammer ay nangangako ng kita.
Halimbawa:
Si Maria ay naghahanap ng investment at natagpuan ang isang website na nangako ng mataas na kita sa shares, gold, at bitcoin. Binigay niya ang kanyang personal na impormasyon sa website at agad siyang tinawagan mula sa isang overseas na numero. Inutusan siyang magbayad ng $250 para maging miyembro. Tinawagan siya gabi-gabi para sa karagdagang payo. Pinilit siyang magdeposito ng higit pa kapalit ng pangako ng karagdagang kita. Sa kalaunan, tumigil na ang kumpanya sa pagtawag sa kanya o sa pagtugon sa kanyang mga tanong. Sa paglipas ng isang taon, siya ay nawalan ng higit sa $7,000 sa pekeng kumpanyang ito.
Sa mga loan scams, iniisip ng mga biktima na nangungutang sila mula sa lisensiyadong nagpapautang pero ang totoo ito ay mga loan shark. Ang mga loan shark ay humihingi ng sobra-sobra kapalit ng kanilang pinapautang. Sila ay nagtatangka, nanggigipit at nag haharass ng kanilang mga biktima.
Halimbawa:
Ang kaibigan ni Mary ay humiling sa kanya na maging guarantor para sa isang loan na kinukuha nito at pumayag si Mary. Hindi napagtanto ni Mary na ang pagiging guarantor ay nangangahulugang siya ang magbabayad ng utang kung hindi makakabayad ang kaibigan niya. Umalis ang kaibigan niya at si Mary ang naiwang magbayad ng loan. Kinuha ni Mary ang isa pang loan para mabayaran ang una dahil wala siyang pera. Sa huli, kinailangan niyang kumuha ng mahigit sa 12 iba’t ibang loans at mas malaki pa ang kanyang binayaran kaysa sa orihinal na utang ng kaibigan niya.
Nagsimula siyang mangutang sa legal na nagpapautang na itinuro naman siya sa mga loan shark na may napakataas na interes. Hindi na kinaya ni Mary ang mga bayarin at nagsimula na siyang makatanggap ng mga nakakatakot na mensahe mula sa mga loan shark. Isa sa mga loan shark ang pumayag na tigilan ang panggigipit kung bibigyan siya nito ng access sa kanyang bank account para sa kanilang ilegal na pera. Ilan sa mga loan shark ang nakipag-ugnayan sa employer ni Mary at binalaan ang pamilya ng kanyang employer, nagpadala pa ang mga loan shark ng mga flyers na may mga larawan ni Mary sa lahat ng residente sa gusali ng kanyang employer. Sa huli, na-cancel ang work permit ni Mary at siya ay napilitang umuwi.
Ang isang scammer ay nagpapanggap na isang taong may kapangyarihan (halimbawa, isang opisyal ng gobyerno o pulis) o isang kinatawan ng bangko. Ang mga scammer na ito ay humihingi ng iyong personal na impormasyon tulad ng numero ng pasaporte o numero ng bank account.
Halimbawa:
Si Evelyn ay tumanggap ng tawag mula sa isang taong nagpapanggap na pulis. Inutos sa kanya na ibigay sa kanila ang detalye ng kanyang bank account sa telepono para sa imbestigasyon. Binigyan siya ng One Time Password sa kanyang mobile. Natuklasan ni Evelyn na kalahating libo ang inilipat mula sa kanyang account. Nawala ang lahat ng kanyang ipon.
Ang isang scammer ay mang hahack ng iyong Facebook account at hihingi sa iyong mga contact na bumili mula sa kanila ng mga iba’t-ibang bagay katulad ng mga gift card. Ikaw mismo ay maaari ring hingan na bumili ng gift card.
Halimbawa:
Si Warih ay nakatanggap ng mensahe sa Facebook mula sa kanyang kaibigan na humihingi ng kanyang mobile number, sinasabing nawala ang kanyang phone. Binigay ni Warih ang kanyang mobile number sa scammer at hiniling sa kanya ng scammer na ipadala ang mga code na natatanggap niya para i-verify ang iba’t ibang mga transactions. Ang mga scammer ay nag-charge ng mga gift card sa mobile account ni Warih.
Ang mga biktima ay nakakatanggap ng tawag sa telepono o SMS na nagsasabing nanalo sila ng premyo sa isang lucky draw. Madalas, ang premyo ay isang sasakyan o isang unit ng condominium sa ibang bansa. Upang makuha ang premyo, kinakailangan ng biktima na magbayad ng administrative fees o buwis. Maari rin na sasabihin ng scammer na para maging pera ang premyo, kinakailangan ng biktima na magbayad sa isang dayuhang bank account.
Halimbawa:
Si Rosalyn ay nakatanggap ng WhatsApp message na nagsasabing siya ay nanalo ng $5000. Upang matanggap ang pera, kinakailangang ilipat ni Rosalyn ang $500 para sa admin fees at buwis sa ibinigay na account. Pagkatapos ipadala ni Rosalyn ang pera, hindi na niya macontact ang mga scammer.
Ang mga biktima ng scam na ito ay madalas na napapahamak ng tilang napakagandang deal para sa isang gadget, ticket sa park, o ticket sa concert na ibinebenta online. Minsan humihingi ang mga nagbebenta ng karagdagang bayad para sa duties o delivery charges pagkatapos ng unang bayad. Sa huli, hindi natatanggap ng biktima ang item.
Halimbawa:
Gustong mapanood ni Joy ang kanyang paboritong pop star live sa concert, ngunit sa tingin niya, ang mga tiket ay sobrang mahal. Nakita niya ang isang deal para sa tiket na kalahati ng presyo ng orihinal. Kinontak nya ang nagbebenta at nagtransfer siya ng kanyang bayad. Sinabihan siya na matatanggap niya ang ticket sa pamamagitan ng mail. Hindi dumating kailanman ang ticket at hindi na niya ma-contact ang nagbebenta.
Ang mga biktima ay nakakatanggap ng tawag na nagbabalita na nanalo sila sa isang lucky draw. Upang makuha ang premyo, kinakailangang ibigay ng biktima ang kanilang detalye ng pasaporte o iba pang personal na impormasyon. Sa isa pang phishing scam, lumilikha ng pekeng website na halos katulad ng tunay na website na may kaunti lamang pagkakaiba ang web address.. Kapag ini-input ng mga biktima ang kanilang personal na detalye at PIN numbers sa mga website na ito, nanganganib ang kanilang impormasyon at pera.
Halimbawa:
Si Wiwik ay tumanggap ng WhatsApp message na nag-aalok ng $500 sa NTUC vouchers. Upang tanggapin ang voucher, kailangang ibigay kay Wiwik ang kanyang ilang personal na detalye.
You can contact us at
+65 9789 4041

OUR COURSES
GET INVOLVED
EVENTS & NEWS
IMPACT
ABOUT US
CONTACT
Admin Office© 2023 Aidha Ltd. (Registration number UEN: 201006653E ) is a registered charity in Singapore with Institution of Public Character status. All Rights Reserved.