Si Emma, tulad nina Maria at Yanti, ay nasa Singapore upang makapagbigay ng mas magandang buhay para sa kanyang pamilya. Katulad ni Yanti, hindi pinapadala ni Emma ang lahat ng kanyang pera sa Pilipinas. Ang iba ay kanyang iniipon. Itinuro rin ni Emma ang kahalagahan ng pag-iipon sa kanyang pamilya.
Nag ipon din si Emma para magparehistro sa Aidha upang matulungan siyang mas mahusay na pamahalaan ang kanyang pera at makamit ang kanyang mga layunin. Natutunan niya ang tungkol sa bank accounts, insurance, at investments at nagpasya siyang magbukas ng bank account para sa kanyang ipon kung saan siya ay kumikita ng interes kada taon.
Nang nakapag ipon na si Emma ng katumbas ng 6 na buwang gastos sa kanyang bank account, nagpasya siyang bumili ng health insurance para sa kanya at sa kanyang pamilya. Nagdesisyon rin siyang bumili ng property insurance para sa kanilang tahanan.
Tulad nina Maria at Yanti, nasalanta rin ng bagyo ang pamilya ni Emma sa Pilipinas at nasira rin ang kanilang bahay. Dahil mayroon property insurance si Emma, hindi malaki ang kanilang naging gastos. Karamihan sa repairs ay nasakop ng insurance. Hindi masyadong malaki ang naging epekto ng bagyo sa kanilang kalagayang pinansyal.
Si Emma ay patuloy na nag-ipon at napagpasyahang mag invest na rin. Ang kanyang investment ay makakadagdag ng 5% na kita kada taon.